Charrette

Ito ay isang pagtitipon tipon ng mga Arkitekto, Inhinyero at mga taga Disenyo upang makabuo ng isang plano/disenyong urbanidad na naaangkop sa isang komunidad, komunidad tulad ng Camana Bay.

camana bay

Dito sa Camana Bay kung saan ako tumatambay at nag susurf parati nagtatrabaho ay mag kakaroon ng ganitong aktibidad upang pag aralan, idesenyo at lustayin ang natitirang pera ni Dart magkaroon ng konkretong plano na naaayon sa natitirang espasyo sa kabuuang limang daang(500) ektarya ng Camana Bay.

Ito’y lalahukan ng malalaking pangalan sa larangan ng arkitektura, disenyo, at konstruksyon na magmumula sa mga bansang Estados Unidos, Englatera at Timog Amerika kasama rito ang ilang opisyal ng Gobyerno ng Cayman at ang mga representante ng aming kumpanya kasama na rito ang aking sacho-sang Justin Howe na isang VP ng konstruksyon sa aming organisasyon.

Magaganap ito sa susunod na mga linggo ng Abril ng kasalukuyang taon, at ito ay gugugol ng di bababa sa kalahating milyong Cayman dollar$$$ na sana ay ibinigay na lang sa mahihirap na tulad ko.

Published in: on Marso 26, 2008 at 8:09 hapon  Comments (2)  
Design a site like this with WordPress.com
Magsimula