Happy Easter Monday!

Sa mga kababayan kong andito sa Cayman Happy Easter Monday po sa inyo! yahoo! holiday dito at walang pasok ang karamihan, sa iba naman na me pasok swerte nyo double pay yan! Happy Easter din nga pala sa mga mahal natin dyan sa Pinas!

Bale karamihan dito eh long weekend vacation(kasama na ko dun) dahil nung biyernes eh holiday din(good Friday) and usually sabado at linggo eh alang pasok ang iba kaya bale apat na araw ang pahinga, well yung iba me pasok ng sabado at linggo. Pero parang ambilis ng oras bukas makikita ko nanaman yung boss ko! busetttt!

Grabe walang tigil ang ulan ngayon dito sa Isla, si daddy nga naligo sa ulan marami daw kasi syang bungang araw! namumunga pala ang araw!

Matagal ko nang gustong mag simula mag blog wala lang akong oras, ang totoo nga gusto ko eh photo blog(para ma post ko yung mga kuha kong nude! nasa flickr hehehe lol)

O eto panoorin nyo si KEN LEE para maalis ang mga longkot nyo! –

o pareng ariesgraphy me blog na ko! bisitahin mo naman ako dito!

-gang sa muli

Published in: on Marso 24, 2008 at 7:46 hapon  Comments (4)  
Design a site like this with WordPress.com
Magsimula