Its Cayman Carnival – Batabano!

Batabano 2008 Banner

Ito ay “costume street parade” at sumasalamin sa makulay na buhay ng isla, ito ay taunang ginaganap tuwing unang katapusan ng linggo ng Mayo dito sa Cayman.

Colourful Outfit Parade

Meron ding mala higante at kakaibang “Costume” ang sumali sa paradang to!

Gigantic Costume Parade

At syempre kaya ako nag intay sa initan eh para makita yung mga ganitong pumaparada.

The Batabano Babes

Nagtapos ang Event sa isang “Street Party & Mini-Concert” nang gabing ding iyon. Dalawang mini concert ang naganap, isang Raggae & Soca na ginanap sa harap ng port area at isang rock concert na ginanap san pa kung di sa gilid ng Hardrock Cafe.

Syempre dun kami sa rakenrolan nanuod magaling din yung bandang tumugtog, may bago silang bokalista(na rollover kasi yung dati eh). Pansin ko lang, karamihan sa nanauod ng rock eh mga puti at dun naman sa reggae eh mga itim ang galing ano! tsaka iba talagang mag enjoy at mag party ang mga taga “western countries”, parang wala nang bukas at wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila(yun bang walang “inhibitions” na tinatawag).

Pasensya na sa mga crappy photos, kuha sa camphone tong mga pics ng Batabano After Dark.

Batabano After Dark

Ngayon ko lang nalaman ang ibig sabihin ng salitang Batabano:

Isang batang lokal sa isla na bano, bata na bano = Batabano hehehe jk lang(pun intended)

Ayon kay Pareng Wiki:

The word Batabano is linked to the Islands’ history in turtling and is the word given to the tracks left by turtles when they drag themselves onto the beach to nest in the sand.

At ito pala ay pinasimulan ng Rotary Club Of Grand Cayman nung taong 1984 – ayon pa rin kay wiki

Batabano 2008 Photos

Inilathala sa: on Mayo 4, 2008 at 9:51 hapon Mga Puna (2)
Tags: , , , , ,

Ang URI para i-Trackback itong entry ay: http://buhayky.wordpress.com/2008/05/04/its-cayman-carnival-batabano/trackback/

RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito.

Mga Puna Leave a comment.

  1. hi! blog hopped from one of my links. care to xlinks?

  2. wow, mukhang sobrang saya ng carnival dyan ah! and the party after that rocks!

    kelan po (month) usually yung carnival dyan?


Leave a Comment