A Bird’s-Eye View of Grand Cayman

Ang Isla ng Cayman sa mata ng Lawin.

Miyerkules maaliwalas ang panahon maganda ang sikat ni haring araw kahit na kapansin pansin ang mga kaulapan sa di kalayuan. Nag simula ang aking panibagong dagdag na trabaho bilang “Aerial Photographer”, sa likod ng piloto ako pinaupo dahil yun daw ang magandang pwesto para kumuha ng mga larawan, kaya lang, langya eh tinanggal yung mga pintuan ng heli(sa side ng pilot at side ko) kaya medyo natakot ako kahit na naka seatbelt.

Nagsimula kaming kumuha sa bandang “west side” ng isla kung saan me “High-End Residential” din kaming ginagawa, eto yung tinatawag naming Salt Creek. Matagal din akong nagtrabaho dito bilang maglulupa tsaka dito rin ako nadiscover! hehehe.

Salt Creek

Close-up

Model House(sold already)

Another High-End House owned by DMS

On the way papuntang Camana Bay dinaanan at kinuhanan ko din ng piktyur yung Regatta Offices na pagma may-ari din nila apo “Ken”

Regatta Offices North View

Regatta Offices Southeast View

At eto yung pinaka malaking development na ginagawa namin yung “Camana Bay” “Where Life Blossoms!”, plugging lang baka kasi lumipat na ko sa Marketing Department.

Camana Bay Development West View(along 7 Mile Beach)

Camana Way(connecting 7 mile beach to the town center)

CB Town Center

Camana Bay South View(Cayman Intl. School on foreground )

Tapos bago kami lumanding eh dumaan din kami sa downtown George Town kung saan marami ring pag aaring gusali at lote si apo “Ken” (hehehe parang tunog nung sa street fighter aduken! aduken! hehehe)

Downtown George Town

North & South Terminal @ George Town

Syet nahilo ko dun! sige mga tsong sa June ulit at pramis aayusin ko yung mga kuha ko! At salamat sa pagbisita mo dito , Mabuhay ka!

eto yung iba pang kuha –> pindutin mo ako!

Ang URI para i-Trackback itong entry ay: http://buhayky.wordpress.com/2008/05/01/a-birds-eye-view-of-grand-cayman/trackback/

RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito.

Mga Puna Leave a comment.

  1. wow..gusto ko yung work mo bro…cool naman sa helicopter pa kumuha ng mga photos..

    paki update nga pala yung link mo sa blogroll…

  2. OO nga bro Cool nga! sa akin kasi pinasa yung trabaho nung dating gumagawa nito eh, kasi alam nila mahilig ako sa photography.

    wala ka na pala sa wordpress.


Leave a Comment