Maganda sana dito sa isla bukod sa maganda ang klima(tropikal kagaya sa pinas), mababa ang “crime rate”, dolyar ang sahod at higit sa lahat eh wala kang babayarang taks. Kaso simula ng manalo si apo “KT” nung nakaraang 2004 eleksyon (matapos gulpihin ni “hurricane Ivan” ang isla) eh muli nyang binuhay tong tinatawag nilang “Rollover Policy”.

ang pomosong sevenmilebeach
Ito ay ang paglilimita sa isang “expat” o dahuyang manggagawa(sa ilalim ng work permit) na manatili lamang sa isla ng pitong(7) taon. Pero me mga tinatawag ding “exemptions” tulad kung ikaw ay malupit sa larangan na iyong napasok at sa tingin ng “immigration” ay kakaiba ang iyong trabaho at bihira ang abilidad mo dito sa isla(tulad ng pag patay ng sunog sa pamamagitan ng yong ihi) ay maaari kang gawing “key employee” at mabibigyan ka ng ekstensyong magtrabaho mula 2 hanggang limang taon(ngunit bihira tong mangyari).

O di ba maganda dito sa cayman
Kapag binuwenas ka at nabigyan ka ng ekstensyon at ikaw ay nakatuntong ng 8 taon ay pwede ka nang mag apply ng PR o permanent residency(marami na ring nagtangka ngunit wala pa kong nabalitaan na aprubahan). Kapag na rollover ka naman ay pwede ka namang bumalik(kung gusto ka pa ng employer mo o me magpapasok sa yo ng panibagong permit) makalipas ang isang taong wala ka sa isla.
ang pagkakaalam ko sa key employee bibigyan sya ng ekstensyon ng 2 to 5 yrs pero hindi n sya maaaring magapply ng permanent residence hanggang doon n lng ang term nya.uuwi na sya sa bansang sinilangan nya…tama po ba?