May matinding work dilemma ako ngayon, kinausap ako kahapon ng boss ko at mayroon syang ipinakitang organizational chart, na kung saan nakalagay ang pangalan ko under ng Marketing Department. Nagtaka ako, ang siste pala eh gusto pala akong pwersahang kunin nung senior manager ng department na yun upang ipalit dun sa dating “graphic designer, web master & photographer” na lumipat ng ibang departamento. Huwat? ako’y shock nagulat ako kasi hindi naman yun talaga linya ko eh tsaka porke’t marunong lang akong gumamit ng Photoshop, Vegas, 3DS MAX, umintindi ng konting HTML/JSP(teka uso pa ba to?) at Flash at kumuha ng mga larawan eh pwede na akong isabak sa ganyang larangan?
Mahirap pala yung ganito, kasi medyo masaya na ko bilang “Construction Technolgist/ArchiViz” at taga timpla ng kape sa aming departamento, at marami rami na rin akong natutunan sa larangan ng AEC, sa kabilang banda gusto ko rin yung trabaho sa kabila dahil sa WEB(mahilig kasi akong gumawa ng sapot) at photography. Ngayon eh tinatanong ako ng Boss ko kung gusto ko ba daw yung posisyon na ino offer nung kabilang departamento? Hanggang kanina di ko pa siya sinasagot, kasi hindi ko alam kung saang karera ako patutungo. Ako ngayo’y nagugulumihanan para bagang ako’y pinaglalaruan ng tadhana. Bahala na si Batman kung ano magiging desisyon ko next week.
Tanggap na… Malay mo linya mo nga yan..
Ganun pre? tanggapin ko? ewan ko kakausapin ko nga bukas yung manager bahala na sana maganda kalabasan.
nga pala kanina nagsimula yung aerial photos, mahirap din pala, malakas at malikot yung copter, tapos langya bukas yung pintuan tapos asa gilid ako kakatakot hehehe pero ayuz naman. post ko bukas yung mga kuha ko!