
The stretch of Seven Mile Beach, Grand Cayman, Cayman Islands
Nabiyayaan nanaman ako ng isa pang trabaho dito sa kumpanya namin. Ito ay walang iba kung hindi ang kunan ng mga larawan ng aming proyekto dito sa Camana Bay mula sa himpapawid. Lumipat kasi ng departamento yung dating naka “assign’ sa trabaho na to kung saan ay under ito ng “Marketing Department” dahil karamihan sa mga kuha ay ginagamit sa “Marketing Purposes”. Eh ang siste nagprisinta yung bossing ko na ako na lang daw ang papalit sa pagkuha ng mga larawan dahil magandang lalaki daw ako nakita nya na me interes ako sa pornograpiya potograpiya, pero sa totoo lang hindi na to saklaw ng trabaho ko, ginawa na nga nila akong tech support, network admin, water boy at taga timpla ng kape sa departamento namin ngayon naman balak naman nilang gawin akong macho dancer photographer.

Camana Bay Town Center
Kaya ang sabi ko “anak ng tokwa” OO naman payag ako hehehe, sino ba naman hindi papayag bukod sa makakasakay ulit ako ng sikorski helicopter eh magagamit ko pa yung bagong “DSLR” ng kumpanya at mga lente nito, sa totoo lang balak ko talagang bumili ng sarili kong kamera na DSLR ngayong taon na to kasi nga medyo lumalalim na yung interes ko sa pagkuha ng mga larawan kaso nga lang walang pambili hehehe buti na lang nangyari to, kahit papano me mapaglalaruan at makakalikot ako.
Grabe… sarap naman ng trabaho… pwede ba ako dyan? kahit taga timpla din ng kape… at sana mag-post ka naman ng photos dito, at photo na rin ng bagong DSLR..
OO nga pare, kakaiba mga na eengkwentro ko dito sa isla, mag po post ako ng photo pag nag start na yung aerial, every quarter lang naman yun eh, tsaka di pa na i-te turn over sa akin yung kamera at mga lense kit. Pero nakasama na ako minsan nung nag aerial photo nung isang taon post ko yung ibang kuha ko.
Musta nga pala London? kailan balik mo? yung pasalubong ko baka naman kalimutan mo pa? hehehe ingat at salamat sa pagbisita.
O ayan pre nilagay ko yung ibang kuha ko last year nung sumama ako aerial photo shoot kaso yung aking nag iisang Canon S3is lang ang gamit ko dyan hehehe. di ko na upload kagabi andito kasi sa opis yung mga piktyur na yan, eh pumasok ako ngayon kahit linggo dito, me tinatapos kasi kaming mga drawing updates.
huwawwww…maganda din pala jan at ang haba ng beach puting puti pa…ok ba ang sahoran dyan?
OO islander sobrang ganda ng beach dito yung nasa picture kalahati lang yan nung 7 mile beach. Maganda rin kitaan dito tapos wala ring tax, dyan sa Bermuda wala ring tax diba? medyo mataas nga lang ang cost of living dito sa isla.