Thank you for not smoking!

Ambilis ng panahon akalain mo anim na buwan na sa araw na to simula ng huminto akong mag yosi. Matagal din akong naging alipin ng bisyong ito at ilang libong salapi din ang ginugol ko dito, ewan ko ba may kakaibang sensasyon itong dala tuwing ito’y iyong hihititin. Sa totoo lang ilang beses ko nang sinubukang tigilan to nuon ngunit napakahirap talaga. Sa awa ng diyos nung nakarang taon eh naihinto ko na rin.

Ewan ko ba siguro “blessing in disguise” ang nangyari sa akin kasi isang linggo bago ako tuluyang huminto sa paninigarilyo eh nagka trangkaso ako, dalawang araw nga akong di nakapasok eh, tapos hala sige yosi pa rin kahit me sakit na, kasi nga parang adik ka na eh tapos yun, yung huling hithit ko ng yosi sumakit talaga ng husto yung lalamunan ko, kaya pag katapon ko sabi ko sa sarili ko yun na yung huli.

Ganunpaman naging mahirap yung mga unang linggo, naramdaman ko yung tinatawag nilang “drawback” yung tipong naglalaway ka at gusto mong ulit humithit lalo na pagkatapos mong kumain. Pero naging matatag ako, desidido akong tanggalin ang bisyong ito kaya makalipas pa ang ilang linggo nawala din yung pananabik.

Kaya mga tol payong kaibigan lang tigilan nyo na tong bisyo na to bukod bubutasin ang bulsa mo bubutasin din nito baga mo!


Teka napahaba yata yung sulat ko yosi break muna! hehehe naalala ko tuloy yung instructor namin dati sa teambuilding tawag nya dito ay “cancer break”.

Inilathala sa: on Abril 11, 2008 at 10:33 hapon Mag-iwan ng Puna

Ang URI para i-Trackback itong entry ay: http://buhayky.wordpress.com/2008/04/11/thank-you-for-not-smoking/trackback/

RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito.

Leave a Comment