A Floating Bookstore? WTF?

OO tama ang basa mo! isang “floating bookstore” (isang mid-size ship na nagbebenta ng libro “for a cause”) ang dumaong kamakailan dito sa isla ng Cayman. Sa totoo lang ngayon lang ako nakarinig ng ganito, ang alam ko kasi na floating eh kundi Casino, Bar, Point tsaka exchange rate!

MV Logos II @ Georgetown, Grand Cayman

MV Logos II
MV logos II ang pangalan ng barko at karamihan sa binebenta nilang libro ay “Educational, Religious, Cooking, Self-Help Books”at kung anu-ano pa me mga CD pa nga eh. Pero hindi to yung tipikal na National Bookstore sa Pinas o Books & Books dito sa Camana Bay na nagbebenta ng mga best-seller at mga bagong libro, magasin at mga babasahin na inaakala mo, bagkus ay mga segunda mano at mga lumang libro(pero nakabalot pa na mga mukhang “overrun” o mga di nabenta na libro) ang binebenta nila dito.

Bili na kayo ng libro” with Ka Toto, Aling Tina at yung naka dilaw si popeye ng Jamaica!(di namin sya kasama, trip nya lang mag pose!)

bili na kayo!

Si Yawbitz! di ko alam mahilig pala sya kay Minnie Mouse?

yawbitz

Mura lang nila binebenta yung mga libro yung tipong ma dispose lang kaya kahit papano bumili rin ako ng 3 libro kasi mura lang 5CI$ lang yung 3 me libre pang bag at nakatulong pa ko.

eto yung mga binili ko:

Unclutter your space
Uncluttering Your Space – medyo magulo kasi mundo ko dito sa cayman sa dami ng naipon kong mga gamit sa loob ng 4 taon dito, isama mo pa yung “files” ko sa trabaho at mga na nadownload ko sa internet, ayun nagkalat na ang mga ito at kailangan ng i “organize”, sana matulungan ako ng librong ito para maisa ayos ko mga gamit at mga porn “files” ko sa PC ko dito sa Cayman.

eto pa isa:

Fit & Well
Fit & Well – Nitong pasok ng taong 2008 eh sinimulan ko nang alagaan ang sarili ko, sa katunayan nga tinigilan ko ng mag yosi nung Oktubre nung nakaraang taon, at bumibisita na ko madalas sa gym simula nung bumalik ako dito sa isla(naisip ko kasi pag tanda ko dapat tigas TITI pa rin ako!)

eto pa ulit:

Travel
Tourism Geography – Mahilig din kasi akong mamasyal, magliwaliw at pumunta sa mga dako paroon!.

A view of Downtown, Georgetown from MV LogosII viewing deck.

GT@nyt

Kaya pre/m’re kung sakaling mapadpad sa lugar mo ang barkong ito sana suportahan taka, para kahit papano nakatulong ka sa kapwa mo, o how swet et es hehehe.

Inilathala sa: on Abril 8, 2008 at 10:25 hapon Mga Puna (4)
Tags: , , , , ,

Ang URI para i-Trackback itong entry ay: http://buhayky.wordpress.com/2008/04/08/a-floating-bookstore-wtf/trackback/

RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito.

Mga Puna Leave a comment.

  1. ‘tol salamat sa pagdaan..di ka nag-iwan ng link buti nahanap ko pa blog mo…

    if i’m not mistaken may barko din ata na dumaong sa Manila tulad nun ah…

    care for xlink? i-add na kita

  2. Ok na tol na-add nakita salamat din sa pagbisita.
    Mabuhay kayo dyan sa Bermuda!

  3. Grabe…nung dumating yan..Jampack!! Ang daming tao nung pumunta kami ni liezel men..kasi last night na nila dito, pagkalabas namin ng work diretso na agad kami dun. konting pila sa dock..tapos nung nasa loob na kami kala ko naka AC (Aircon) yung pala hindi…ngak..so… pili..kuha kuha…nung pa pila na kami haba rin ng pila..waaaaa..sabi ko balik na lang namin yung pamili namin…anyways..educational, and you know its for a cause…ayis lang..chao!

  4. OO nga jampack at kala ko rin me A/C ang haba nga ng pila pero dun ako nakabili sa baba konti lang tao.


Leave a Comment