Nang masdan ko ang larawan ko nuon
may maigsing buhok at may maliit na katawan
agad akong nag-isip at natigilan
nasaan na kaya ang dating katawan?(singhap)
Tila uod na naging paru-paro
na ngayo’y naglilipad lipad sa halamanan
kung saan dadapo ay sya lang ang may alam
at kapag nahapo kahit saan dadapo.
At kung umuulan ang hanap ay masisilungan
ang maliit na dahon pinilit na kanlungan
bakit ako nagtyaga sa maliit na dahon
kahit alam kong ito’y hindi sapat na kanlungan.
Hanggang kailan magtitiis sa aking kabuktutan
sa aking pag siksik sa lunggang maliit
na ang tanging dala lamang nito ay(???????)
sana’y matutunan ko na.
Tinanong ko si Google at si Yahoo di daw nila makita ang liriko ng kantang ito! matagal ko nang hinahanap ang liriko ng kantang ito ngunit di ko makita sa malawak na mundo ng kasaputan. Kaya heto aking pinakinggan at isina titik bawat letra at salita ng kantang ito.
Sa mga di pankista/rakista nakakaalam, ito ay isang kanta ng bandang Wuds nung dekada 90′, sa ilalaim ng album na “At Nakalimutan na ang Diyos” na pinangungunahan ni Bobby Balingit na syang bokalista ng grupo.
kung gusto nyong pakinggan eto: Metamorphosis
Nga pala kung mapapansin nyo sa dulo ng pangalawa sa huling linya eh ?????? ang nilagay ko, kasi hindi ko maintindihan yung parte na yun habang pinakikinggan ko, kaya kung may nakakaalam sa inyo eh paki bulong na lang po sa akin.
binabasa ko palagi tong blog mo ..
Salamat pre, mabuhay ka!