Nang masdan ko ang larawan ko nuon
may maigsing buhok at may maliit na katawan
agad akong nag-isip at natigilan
nasaan na kaya ang dating katawan?(singhap) (may karugtong…)
Nang masdan ko ang larawan ko nuon
may maigsing buhok at may maliit na katawan
agad akong nag-isip at natigilan
nasaan na kaya ang dating katawan?(singhap) (may karugtong…)
Ito ay isang pagtitipon tipon ng mga Arkitekto, Inhinyero at mga taga Disenyo upang makabuo ng isang plano/disenyong urbanidad na naaangkop sa isang komunidad, komunidad tulad ng Camana Bay.

Dito sa Camana Bay kung saan ako tumatambay at nag susurf parati nagtatrabaho ay mag kakaroon ng ganitong aktibidad upang pag aralan, idesenyo at lustayin ang natitirang pera ni Dart magkaroon ng konkretong plano na naaayon sa natitirang espasyo sa kabuuang limang daang(500) ektarya ng Camana Bay.
Ito’y lalahukan ng malalaking pangalan sa larangan ng arkitektura, disenyo, at konstruksyon na magmumula sa mga bansang Estados Unidos, Englatera at Timog Amerika kasama rito ang ilang opisyal ng Gobyerno ng Cayman at ang mga representante ng aming kumpanya kasama na rito ang aking sacho-sang Justin Howe na isang VP ng konstruksyon sa aming organisasyon.
Magaganap ito sa susunod na mga linggo ng Abril ng kasalukuyang taon, at ito ay gugugol ng di bababa sa kalahating milyong Cayman dollar$$$ na sana ay ibinigay na lang sa mahihirap na tulad ko.
Tapos na long weekend dito sa isla, kaya balik trabaho ulit kami! yun nga palang mga lumabas ng isla nung weekend pasalubong naman dyan!
Kaninang umaga medyo maulap ang langit at maalon ang dagat dito! di nga naka daong yung mga cruise ships sa georgetown eh siguro sa spotts yun dumaong kasi me mga nakita pa rin akong mga turista na alam nyo na, yung tipong galing sa cruise ship yung mga naglalakad sa sevenmilebeach ng naka 2 piece lang at yung iba naka thongs!
Ngayong gabi naman malamig at malakas ang hangin sarap mag 2 bottles! si yawbitz ayun kinana yung white wine sabay nanood ng white meat! nyahahaha niyaya pa si mel! ayuz ang buto buto(in thick bicol accent!)
Sa mga kababayan kong andito sa Cayman Happy Easter Monday po sa inyo! yahoo! holiday dito at walang pasok ang karamihan, sa iba naman na me pasok swerte nyo double pay yan! Happy Easter din nga pala sa mga mahal natin dyan sa Pinas!
Bale karamihan dito eh long weekend vacation(kasama na ko dun) dahil nung biyernes eh holiday din(good Friday) and usually sabado at linggo eh alang pasok ang iba kaya bale apat na araw ang pahinga, well yung iba me pasok ng sabado at linggo. Pero parang ambilis ng oras bukas makikita ko nanaman yung boss ko! busetttt!
Grabe walang tigil ang ulan ngayon dito sa Isla, si daddy nga naligo sa ulan marami daw kasi syang bungang araw! namumunga pala ang araw!
Matagal ko nang gustong mag simula mag blog wala lang akong oras, ang totoo nga gusto ko eh photo blog(para ma post ko yung mga kuha kong nude! nasa flickr hehehe lol)
O eto panoorin nyo si KEN LEE para maalis ang mga longkot nyo! –
o pareng ariesgraphy me blog na ko! bisitahin mo naman ako dito!
-gang sa muli